choose day
uy bago ang mukha ng blog ko.hekhek.kasawa na kasi yung dati.pero may problema, hindi ako maka add ng links.ewan ko, hindi ko mahanap eh.papatulong nalang ako sa friend ko para magawan ng paraan.kakapindot ko ng kakapindot kahapon, nagulo na.bobo kasi ako pagdating sa mga gani-ganito.sana maibalik ko po.
lakwatsa to the max kami kahapon.nagising ako ng bandang 7 am kasi may kumakatok sa pinto.akala ko pulis,hekhek, si manang labandera pala.napilitan na ako bumangon kasi pag in-ignore ko sya baka piliting pumasok at maabutan akong hubok hubak :p na natutulog.ahihihi.
i gave some instructions sa paglalaba.infairness kay manang, mahigit na isang taon ang relationship namin pero di ko pa alam name nya,ahihi.aliw na aliw yun sa akin kasi lagi ko binibigyan ng pang meryenda.mabait kasi tsaka maayos gumawa.dinamay ko na ang aking mga kumot at pillow case na may mga talsik talsik..hehe.
after ni manang, kumain ako ng sakto sa oras.naligo at tinawagan ko si chen-chen.friend ko yun na sobrang galing, dugo-dugo talaga ako. andaming kinuhang kurso sa college,may masteral at eklat eklat na bumagsak sa pagiging call center agent.hehehe.apir.
nagkita kami sa robinson.naghanap muna kami ng banko, kakaaliw kasi mga 80 % ng nasa pila ay mga kasamahan namin sa trabaho.wala lang.sweldo day kasi kahapon kaya ayun.bandang ala una nayun eh kaya kumain muna kami ng lunch.ako lang pala kasi ayaw ni chen.sa casa ilongga ko sya inaya, as usual ang order ko ay ang walang kamatayang KBL.hehe.masarap yun. orig bisaya dish.deretso na kami SM.i bought a pair of jeans and a green shirt sa Jag.Si chen naman ay shoes.kinulit ko sya na samahan ako sa bench para bumili ng sling bag kaso hindi ko nagustuhan yung mga nasa display.bumili nalang kami ng flip flops.apir.malalandi.brown yung sa akin, blue yung sa kanya.
i was thinking of buying a shoes sa converse kaso di na kinaya ng budget ko.pag bumili ako nun, kaya naman pero hindi ako kakain ng 2 weeks.hehehehe.pinag-isipan ko ng matindi ha.hehe.willing na willing magutom basta makapag sapatos lang.wawa naman ako :-( hehehe.
syempre saan ang susunod na pupuntahan ng dalawang mga adik? national bookstore..dyarrrran.hehe.biglang nakita ko yung professor ko sa college dati, tago to the max ako sa mga libro.ayoko kasi makita nya, tapos pag tinanong ako kung saan ako ngayon,eh call center ang maisagot ko.sigurado big deal yun kay ma'am.nakakahiya.mataas tingin nya sa akin, charot, tapos biglang kohlsentah...wtf.
churprays...nakita namin si cecille sa NB.bibili daw ng card.di ako pinapansin nun eh, mga one week na.hindi ko alam kung bakit.bigla nalang may ganung pakiramdam.alam ko nagsimula yun nung pilit nya inaagaw yung letter na nakita kong nakaipit sa nukbuk ko.eh ayaw ko ibigay..hayaan na natin sya.baka may problema lang.
pinansin nya si chen obkors.sa akin malamig.nagpasama lang bumili ng shades tapos uwi na raw sya.kami naman diretso sa ice castle.halu halo minus the sugar order ko.chocolate sundae kay chen.eversince ayaw ko ng halu-halo na may sugar.napaka redundant nung asukal,ice cream at gatas.hehehe.hate ko matatamis eh.may magjowang mga papa sa table katabi namin.hayup, share sa halu halo at burjer.ahihi.may pahid pahid pa ng tisyu sa face.naks.lufeet.
umuwi na kami afterwards.mga 8pm na rin.ligo lang and then sleep na.later may pasok na ako.excited na nga ako ma bullshit bullshit ulet ng mga kano.ahihi.isa lang naman solusyon dun eh, press mute at "bullshit ka rin! leche ka! gagu! bobo! tapos press mute ulet..."Im really sorry sir.I understand how you feel and........char!"
4 Comments:
pssst... remember me? am baaaaccckkkk...
ofkors kapatid.kambal..hehehe.
misyu.hug kita.
Oh my freaking God, you're back!!!!
Na-miss kita!
Hindi na ako masyadong makapag-blog. Am busy with work. ;)
ganun pala yun.. may mute option. LOL.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home